bea_munoz_05 Mabilis na nakuha ng Pinoy Dream Academy expelled scholar na si Bea Muñoz ang atensyon ng mga manonood dahil sa malakas niyang personalidad. Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon niya ng ugnayan sa co-scholar na si Miguel Mendoza sa loob ng akademya para makilala siya agad. Si Bea ang kasintahan ni Miguel na sumali rin dati sa kauna-unahang Philipine Idol sa ABC-5.

"Feeling ko po, papasok siya [Miguel] sa Top Four. Deserving siya, and nakuha niya po ang tamang boses and we all learned how to sing properly there and we found our own style of singing. So, I really think that he deserves to be in the Top Four," pahayag ni Bea sa ibinigay na presscon ng ABS-CBN para sa mga expelled scholars ng PDA. Nilinaw din ni Bea na walang kinalaman ang dream mentor na si Ryan Cayabyab kaya nasa loob pa rin ng akademya ang boyfriend niyang si Miguel, na nakasama rin noon ng mahusay na kompositor sa Philippine Idol. "Ah, wala pong kinalaman. Kasi lahat po kami we strive hard. We strive hard for the audition. Lahat po kami pumila. We all did our exams well. We all learned our lessons well. So, we are all deserving." Ano ang natutunan niya sa loob ng PDA? "Ang natutunan ko po is to make the disadvantages nga po into an advantage."

THROAT CYST. Marami naman ang na-curious kung bakit may pagkapaos ang boses ni Bea kahit ilang linggo na rin naman mula nang lumabas siya ng PDA. "Ah, well po, may cyst po ako sa lalamunan. Same as Bunny po. I've a cyst kaya ako palaging paos and I believe na ang pagiging paos is one way of singing. Kung si Mariah Carey nga paos ang boses at sumikat. So, isa po yung style. "Disadvantage na naalis ako, advantage din po siya dahil magiging headstart for me. So, nakaka-learn na akong kumanta at sumayaw at umarte." Totoo bang paglabas ni Bea ng PDA ay agad na dinala siya sa isang psychiatrist?

"Yes po. Ah, sabi po ng psychologist na I'm very true to myself. Kasi po hindi ako isang plastic na tao. I believe na kung ayaw ko yung tao, okey. I'll give the person a chance. Ang pagiging plastic po it's not in my vocabulary and he knows that because I was very open to other experiences there. And alam ninyo po na the way I was acting inside and the was I was acting outside, pareho lang po."

NOT FOR SINGING. Sinabi sa kanya ng isa sa mga judges ng PDA na si Gerald Salonga na hindi para sa kanya ang pagkanta. Nakaapekto ba ito sa pagkuha ni Bea ng goal niya? "Yun nga po. Well, for me po kasi I really learned. The thing is pagdating ng Saturday... so, kanta ako ng Monday, Tuesday, Wednesday, Friday. Pagdating ng Sabado sumasakit na po ang lalamunan ko because I really tried." Na-overpractice siya?

"Parang ganun po because nga may cyst ako. Yung health ng throat ko is not as healthy as others na, mag-practice ako ng sobrang tagal napapaos na po. That's why I always have to drink liquid. So, feeling ko po hindi lang nila nakita. Pero my mentors know how much I've learned and changed." Nasaktan ba siya sa sinabi ni Gerald sa kanya?

"Ah, actually po nung sinabi niya na singing is not for me, it made me think na maybe I'm into something else. But also in the same industry. So, hindi naman dahil hindi ako magaling kumanta, hindi na ako puwedeng kumanta forever. I can also go into hosting or acting, or deejaying, but also sing because I like singing. ‘Tsaka for me yung sinasabi nila against me it will challenge me more to strive harder."

VOTES. Nagulat ang iba sa napakababang votes na nakuha ni Bea kaya na-expelled siya sa PDA. Alam naman kasi ng marami na kabilang si Bea sa isang nakaririwasang pamilya sa Alabang. "My family actually didn't want to vote.

Honestly po, my family didn't want to vote. They felt na it should depend on the masses. They said that if I wanted it, I have to strive hard for it, I have to strive hard for the vote that I will get. Hindi po dahil kaya namin or sa boto nila, doon ako mag-i-stay kasi it would be unfair to the others. So, they wanted to be fair." Ano ang reaksyon ng parents niya noong pinaalis siya sa PDA? "Well, masaya po sila na at least kasama na po nila ako. Sad dahil malapit na po ako sa dream ko, di ba? ‘Tapos naputol po. So, yun po."

Payag ba sila na mag-artista siya? "Nung una po ayaw po nila. Pero alam po nila how much I love it." Boto pa rin ba ang pamilya niya kay Miguel bilang boyfriend niya pagkatapos ng nangyari sa kanila sa loob ng academy? "Opo, actually, lahat po kami friends. At saka maski inaaway niya ako, alam ko, he's just doing that because of his dream."

Three-and-a half years nang magkarelasyon nina Bea at Miguel. Second year high school pa lang daw siya nung maging sila ni Miguel habang nag-aaral sa La Salle Zobel de Ayala sa Alabang.

WHO'S GAY? Isa sa pinagdududahan ang gender sa loob ng academy si Miguel. May ganito rin bang nararamdaman si Bea about Miguel? "Uhm...kasi Miguel and I started as best friends. ‘ Tapos nung una, dapat hindi kami magiging on pero kasi sabi ko ang best friends pang friend lang talaga, siyempre, because I was open to him in a different way. But you know, he really strived hard at saka pina-impress po talaga ko ni Miguel. So, naging kami po." Hindi ba bading si Miguel? "Hindi po siya bading."

Sino sa tingin niya ang bading sa loob ng academy? "Hindi ko po alam kasi I wasn't able to spend that much [time]... Kasi nung lumabas na po yung issues wala na po ako sa bahay." Ano ang plano niya ngayong wala na siya sa Academy? "Ang plans ko is to strive harder and to prove to people that...kasi [some] people say that I don't deserve to be in the Academy and for me I will strive hard to prove them wrong because I was chosen for a reason," tapos ni Bea.

0 comments